Friday, February 20, 2009

Office Antics

Bakit ba pakiramdam ko parang nasa high school ulit? Tulad kanina, harutan nanaman kami kasi bumagal nanaman yung dialer (read: one call every 25 minutes or so). May kanya-kanyang grupo bawat hanay. Tulad nila Laboni at Parvin na nagsasalita sa Bangla; sina Ayushma, Ramneek at Faisal na may sariling mundo; si Greg na mukhang malalim ang iniisip; at kami ni Amit na kotse ang paksa dahil sa nakaraang Canadian International Auto Show. Lagi kaming magkakasamang apat nina Laboni, Parvin at Amit. San man kami mapuwesto o mapadpad, kami pa rin ang magkakatabi. Gano'n din sina Mohsen, Hamza, Novroj at Simpson. May mga ilang taon namang kahit san malagay, ayos lang tulad nina Asma, Chetan, Jeg, Stephen, Leon, Jason, Mattheiu at Robin.


Ala-Mean Girls ang drama e. Nakakaloka. Tapos may office drama/tsismis din. Alam mo na, nung high school may pantasya ng bayan na pinagnanasahan ng mga kalalakihan? Oo, may gano'n din kami sa office pero s'yempre di ako yun. Naman! Patawa na kung mapabilang ako do'n. Ni sa panaginip di ako aakalaing maipangkat sa kategoryang iyon. Lahat ng lalaki nagkakandarapa kay Laboni at bakit naman hindi? Maliban sa maganda, matalino, balingkinitan at may kumpyansa sa sarili, alam n'ya kung ano ang gusto n'ya -ayon kay Amit. Malapit na kaibigan ang turing ko sa kanya, masaya s'yang kasama at talagang mabait naman kaso tuwing kasama ko 'ya pakiramdam ko di ako napapansin. Di naman sa papansin ako pero minsan naman e gusto ko rin mapansin dahil sa angkin kong talento o pagkatao at di dahil lamang sa kasama mo. Nakalulungkot isiping sa mundong ginagalawan ko di nila ako makita, o kulang lang ako sa pansin? Ewan ko ba. Maaaring dahil sa pagkakaiba ng kulturang Pinoy sa nakaugalian dito.

Habang naghahapunan kami ni Laboni, may lupon ng kalalakihang naupo sa katabing mesa. Nakilala ko kagad si Aaron sa grupong yon sabay hi. S'ya yung taga-Trinidad and Tobago na naka-chika namin nung Sabado. Mabait naman sya't namansin. Pagkatapos pinakilala naman kami sa kanyang mga kasama. Si Ylia na may Russian-German blood na kamukhang-kamukha ni Victor Crum ni Hermione ng Harry Potter, at si Edward na mukhang Pinoy pero laki dito kaya di makapag-Tagalog. Ayun, ayoko naman mambastos kaya pinakilala ko na sarili ko at si Laboni. Bahagyang namayani ang katahimikan ng ilang sandali hanngang sa mapukaw iyon ng humingi ng Advil si Edward.

Nakakapagtaka lang dahil ng mga sandaling iyon, bago sila maupo sa katabing mesa maligalig na nagkukwento si LAboni. Nang dumating sila, nanahimik s'yang bigla. So unlike her. Edi tanong naman ako kung bakit? Anya, natatakot raw s'ya kay Ylia. Nung raw kasi may nangyari. At take note, naganap ang mga iyon sa office. LOL. Papasok na raw s'ya no'n galing break ng makita n'yang nakatayo sa may harap ng pinto si Ylia. Dinedma lang ni Laboni ang pagkakapuwesto n'ya do'n at umaktong magsa-swipe na ng access card ng biglang lumapit si Ylia sabay abot ang kamay at nagpakilala. Ikinagulat iyon ni Laboni at matapos masabi ang pangala'y dali-daling pumasok sa loob ng office halos patakbo pa. Ayon sa kanya mukha pa raw bangag si Ylia na lalo n'yang kinatakot.

Matapos umalis sina Edward at Ylia. lumapit ako kay Aaron sabay tanong ng, "matagal mo na bang kilala si Ylia?" Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha sabay tanong sa'kin, "bakit?" Sagot naman ako ng, "kasi nakakapangilabot s'ya." Natawa ng malakas si Aaron, malamang di inasahan na gano'n ang isasagot ko. Umamin din s'yang kinakabahan kay Ylia sabay chika na gumagamut s'ya ng bawal na gamot. Nakakakaba naman kasi talaga hitsura n'ya e. Parang hitman na kasapi sa Mafia ang dating n'ya. Ganda pero ng mata in fairness. LOL.


(Itutuloy...)
Lilypie - Personal pictureLilypie Kids Birthday tickers